‘Rosang Agimat’ nina Gabbi at Jeric ilalaban sa ‘Probinsyano’

GABBI GARCIA AT JERIC GONZALES

Abalang-abala na ngayon sina Jeric Gonzales at Gabbi Garcia sa paghahanda sa bagong pagtatambalan nila sa GMA 7. Maaksiyon ang serye, pero may suntok daw sa puso ang Rosang Agimat at matindi ang tatapatan nilang programa.

Sila ang bagong babangga sa makasaysayang Ang Probinsyano na pinagbibidahan ni Coco Martin.

Maraming programa na ng Kapuso network ang tumatapat sa serye, pero palaging bigo, malay natin kung mabibigyan ng magandang laban ng Rosang Agimat ang ipinagmamalaking serye ng ABS-CBN?

Si Jeric Gonzales ay kinakarir ang kanyang pagdyi-gym ngayon, kailangang asikasuhin ng guwapong actor ang bulto ng kanyang katawan, dahil nag-aaral nang bumaril ngayon ang kanyang kaparehang si Gabbi Garcia.

Ilang beses na naming nakakasama si Jeric Gonzales, hindi ang kanyang kaguwapuhan ang una naming napansin sa male personality, kundi ang pagiging marespeto at humble ng binatang aktor.

Nang maging guest namin si Jeric sa “Take It Per Minute” ay tinanong namin siya nina Manay Lolit Solis at Mr. Fu kung pumapasok ba sa kanyang isip ang paglipat-paglundag sa bakuran ng ABS-CBN?

Napakabilis ng kanyang sagot, “Hindi po. Masaya po ako sa GMA 7 kung saan ako nagsimula.” Dagdag pogi points sa mga personalidad ang katapatan sa pinagsimulan nilang istasyon.

Sa tanong naman kung nakatatanggap ba siya ng indecent proposal mula sa mga becki ay napakabilis din ng kanyang sagot, “Babae po ang hinahanap ko, pero nirerespeto ko po ang mga tulad n’yo,” sabi ni Jeric kasunod ang pagtapik sa balikat ni Mr. Fu.

Ganu’n dapat, diretsong sumagot, hindi katulad ng ibang artista na paikot-ikot lang ang mga sagot na wala namang saysay.

Read more...