Laos na male celeb wasak ang career kaya walang ginawa kundi sumawsaw

PINAGTATAWANAN na lang sa isang malaking umpukan ang pag-ariba sa pakikisawsaw sa napapanahong isyu ng isang La Ocean Deep (read: laos) nang male personality.

Palagi namang ganu’n ang dating matikas na lalaking personalidad, para siyang langgam, kung nasaan ang asukal ay du’n mo siya matatagpuan.

Kuwento ng isang miron sa umpukan, inuupakan niya ngayon ang isang network na pinagtrabahuhan din naman niya nang mahabang panahon. Spell utang na loob!

“Kung anu-anong rebelasyon at paninira sa istasyon ang ginagawa niya na para bang hindi rin siya nakinabang sa bakurang ‘yun nang napakatagal na panahon!

“Kunsabagay, hanggang d’yan na lang naman kasi ang kaya niyang gawin, ang maghintay ng isyung mapapakisawsawan niya, para relevant pa rin siya,” nakataas ang kilay na umpisang chika ng aming source.

Nakilala sa nasabing network ang sawsawerong male personality kasama ang kanyang partner na matagal na niyang hindi partner dahil sa natuklasan nito sa male personality.

Patuloy ng aming impormante, “Ano na ba kasi ang pinagkakaabalahan ngayon ng taong ‘yun? Waley! Mula nu’ng mawala siya sa isang network, e, kung saan-saan siya nag-apply, pero sorry na lang, no takers!

“Walang tumanggap sa kanya, kaya ano pa nga ba ang puwede niyang gawin kundi ang makisawsaw nang makisawsaw sa kahit anong issue para lang mapansin pa rin ang presence niya!

“Pero sorry na lang sa kanya, wala na siya sa gitna ng laban, wala na siya sa mainstream, kaya naghahanap na lang siya ng mapagkakaabalahan ngayon.

“Nakakalungkot ang nangyari sa taong ‘yun, magaling naman sana siya, kaya lang, nu’ng nagka-name na siya kasama ang partner niya, e, umandar ang kayabangan niya!

“Naku, may isang director na galit na galit sa kanya! Nalaman na lang kasi ni directed by na wala na siya sa show, pinulitika siya ng male personality na nawalan din ng career!

“Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio (kumusta naman ang Bali, Indonesia), kailangan pa ba n’yo ng clue tungkol sa male personality na ito?

Read more...