Kiray hahanapin si Mr. Right sa ‘dating game’ ng ‘TBATS’

Kiray Celis

NGAYONG Linggo, samahan ang Love You Two star na si Kiray Celis sa paghahanap ng kaniyang perfect match sa isang nakakaaliw na dating game sa top-rating GMA comedy program na The Boobay And Tekla Show (TBATS).

Makipagkulitan kasama sina Kiray at kapwa komedyanang si Jessa Chichirita sa pagpili nila mula sa tatlong gwapo at misteryosong hunks sa “Love Chain Forever.”

Sa “TBATS on the Street,” lilibutin nina Boobay at Super Tekla ang Maynila upang sukatin ang kaalaman ng mga PUV drivers tungkol sa karaniwang traffic signs at symbols sa kalsada.

Sa paboritong segment ng bayan naman na “Pranking In Tandem,” susubukan ng GMA News and Public Affairs’ showbiz correspondent na si Aubrey Carampel na i-prank ang ilang Mass Communication students sa kanyang lecture tungkol sa pagrereport ng balita. Magtagumpay kaya si Aubrey na i-good time ang mga nabiktimang students?

Samantala, sa nakakalokang “Dear Boobay and Tekla,” susubukan ng comedic duo na tulungan ang letter sender sa problema nito na, “Gusto ko na pong mag-asawa pero ayaw ko pong magka-biyenan. Anong dapat kong gawin?”

Tutukan ang The Boobay And Tekla Show tuwing Linggo ng gabi pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho sa GMA.

Samantala, patuloy na naghahatid ng good vibes si Kiray gabi-gabi bilang sidekick at BFF ni Jennylyn Mercado sa primetime series na Love You Two.

In fairness, tuwang-tuwa ang viewers sa komedyana dahil sa mga nakakalokang paandar niya sa programa, lalo na kapag tinatarayan na niya si Jennylyn.

Patok din ang tambalan nila ni Jerald Napoles sa serye kaya bukod sa pakilig na hatid nina Jen at Gabby Concepcion sa Love You Two, may bonus pang positive vibes mula kina Kiray at Jerald.

Read more...