Miguel nabiktima rin ng mahiwagang ‘sitsit’

MIGUEL TANFELIX

NABIKTIMA rin pala ng mahiwagang “sitsit” ang Kapuso young actor na si Miguel Tanfelix.

Naikuwento ng binata ang tungkol sa naging experience niya sa mga ligaw na kaluluwa o ispiritu noong ginagawa nila ang seryeng Kambal, Karibal.

Nakachikahan ng ilang members ng entertainment press si Miguel sa pa-block screening ng kanyang fans para sa horror film niyang “Banal” kasama ang ka-loveteam na si Bianca Umali. Katatakutan ang nasabing pelikula na tungkol sa barang at kamatayan.

Kaya naman natanong nga ang Kapuso star kung ano ang scariest paranormal experience niya, “Kung naaalala ninyo ‘yung ginawa kong sapi-sapi scene sa Kambal, Karibal, after that taping day, may naririnig akong sumisitsit sa akin everywhere.

“Nagda-drive ako mag-isa, tapos may sisitsit, hindi ko lang pinapansin. For two days ‘yun tapos nawala na lang,” kuwento ng binata.

Dagdag pa niya, “Hindi ko siya kinuwento kasi baka i-entertain ko lang ang energy mismo kaya kinalimutan ko na lang. So, baka ganu’n dapat ang gawin, ‘yung huwag kang basta-basta matatakot para hindi ka gambalain pa.”

Samantala, speaking of “Banal”, in fairness naman sa pelikula talagang mapapasigaw ka sa mga panakot na eksena nina Miguel, Bianca, Andrea Brillantes, Kim Last at Taki. May mga eksena rin na mandidiri ka, lalo na sa mga ginawa nina Kim at Andrea sa pelikula.

Ayon kay Miguel, “Nu’ng pinapanood namin ‘yung film, hindi namin ini-expect na ganito ang kalalabasan ng pinaghirapan namin. Very proud kami sa ginawa namin kaya sana suportahan ninyo.

“Talagang nasa location kami, nasa bundok, sa ilalim ng kuweba. ‘Yun ang challenging doon, sobrang physical niya,” aniya pa.

Showing na ngayon sa mga sinehan ang “Banal” sa direksyon ni JA Tadeña under APT Entertainment.

Read more...