KUMPIRMADO nang nag-resign si James Reid sa pelikulang “Pedro Penduko” ng Viva Films.
Dahil dito, hinayang na hinayang ang direktor ng proyekto na si Treb Monteras dahil marami na pala siyang binago sa script ng “Pedro Penduko” para mas bumagay sa aktor ang karakter.
Sa panayam kay direk Treb ng Pep.ph, “Nag-rewrite po kasi kami ng script na bagay talaga kay James.
So all set na talaga kami to shoot with James. Kaya nakakahinayang, kasi maganda yung script. Matagal ginawa.”
May kapalit naman kaagad ang “Pedro Penduko” ni James, ang “Spellbound” na remake ng isang Korean film kung saan makakasama niya uli ang kanyang girlfriend na si Nadine Lustre.
Ayon sa Viva Artists Agency, “In the works is a reunion movie with Nadine Lustre. It will be a remake of the hit Korean movie, Spellbound.”
Ang nasabing Korean film ay may English title na “My Girlfriend Can See Ghosts” na ipinalabas sa Korea noong Disyembre, 2011. Kumita ito ng US$18.8 million mula sa direksyon ni Hwang In-Ho na pinagbidahan nina Son Ye-jin at Lee Min-Ki.
Kinlaro ni direk Treb na hindi siya ang magdidirek ng “Spellbound” dahil may iba siyang project na gagawin.
Sabi naman sa amin ng isang taga-Viva ay iaanunsyo nila very soon kung sino ang magiging direktor ng “Spellbound” at kung sino ang makakapalit ni James sa “Pedro Penduko.”
Anyway, may spine injury si James kaya hindi na niya kayang gampanan ang karakter na Pedro Penduko dahil maraming maaaksyong eksenang kailangang gawin.
Narito naman ang official statement ng Viva Films tungkol sa pagre-resign ni James sa “Pedro Penduko”, “Viva Films regretfully announces that it has accepted the withdrawal of James Reid from the movie Pedro Penduko for medical reasons.
“James has spinal injuries and the film Pedro Penduko involves intensive training and major stunts. His regular therapy and treatment prohibits him to train hard or perform for the rigid requirements.
“James has spent over a year training and getting ready for this film and Viva truly appreciates his dedication and commitment to this project. Viva respects James decision and wishes him a speedy recovery.”
Kaya sa mga supporters ni James ay huwag nang malungkot dahil may kapalit naman kaagad na project ang nawala sa kanya.
Ayaw naming magpakanega pero bakit parang ayaw ng tadhana na gumawa ang Pilipinas ng pelikulang local superheroes? Dahil ba maikukumpara lang sa mga foreign films?
Nagkataon kasi na nag-resign din sina Angel Locsin at Liza Soberano sa “Darna” na pareho ring nagkaproblema sa kanilang health. Tapos heto’t nagka-injury rin si James kaya goodbye na siya sa “Pedro Penduko?”
Napaisip lang kami.