NASA Singapore pa rin ang Queen of All Media na si Kris Aquino para makapagpahinga nang bonggang-bongga.
Maraming followers niya sa social media ang nagsabing miss na miss na nila ang TV hos-actress dahil mahigit isang linggo na siyang hindi nagpo-post sa kanyang Instagram at Facebook accounts.
Ang huling post pa ni Kris sa Instagram ay noong May 19 kung saan pinasalamatan niya ang lahat ng mga brand at kompanya na patuloy na nagtitiwala at naniniwala sa kanya bilang endorser. Pinayuhan din niya ang madlang pipol na maging matatag at matapang sa bawat hamon ng buhay.
“Whatever difficult challenges you may be facing now, i hope seeing that i soldiered on will remind you that a strong spirit that refused to give up can still stand firm even through life’s more painful moments,” aniya.
Sa kanyang Facebook naman, huling nag-post si Kris noong May 23, 2019 pagkatapos siyang kunan ng 40 vials ng dugo para sa kanyang medical tests.
“I’ve finished all my tests, had many new specialists check on me. sorry kung madamot ngayon sa details, I’m finally back in our hotel after 4 days of nonstop blood tests, doctor consultations, a CT scan, a 1st 40 minute MRI session, and a 2nd, again 40 minute one with contrast dye.
“My sisters were worried I was getting too much radiation and it was a relief to find out that the MRI test (magnetic resonance imaging) isn’t like the CT Scan or PET Scan that both have high radiation. So that was a relief,” ang bahagi ng kanyang FB status.
Ayon sa isang source, patuloy na nagpapahinga si Kris sa isang hotel sa Singapore na malapit sa dagat. Pinayuhan kasi siya ng kanyang mga doktor na makabubuti sa kanya ang makalanghap ng sariwang hangin lalo na ang sea breeze na makakatulong para malabanan ang kanyang allergens.
Nakita namin ang ilang litrato na kuha sa iba’t ibang bahagi ng hotel ni Kris at in fairness, ang ganda-ganda nga ng lugar na malapit talaga sa tabing dagat. Wish naman ng kanyang social media followers, sana raw ay tuluy-tuloy na ang paggaling ni Kris at makabalik na uli siya sa kanyang mga digital show.
Sa huling post ni Kris sa FB nangako siya na ibabalita niya agad sa madlang pipol kapag may update na sa kanyang medical test.
“Pag naka-recover na ko from all the blood they extracted from me, and all the tests I had to undergo I’ll give you all an update. Until then thank you for keeping us in your thoughts and sending us good wishes,” sey pa ng mommy nina Joshua at Bimby.