PUMANAW na ang veteran comedian na si Gary Lising. Siya ay 78 years old.
Kinumpirma ng kanyang kapatid na si Pompeii Lising ang malungkot na balita sa kanyang Facebook account.
Aniya, “I am sad to inform some terrible news. We lost our beloved Gary Lising, my eldest brother, today,” aniya.
Mensahe pa niya kay Gary, “Thank you for all the laughs and love, we will miss you deeply. But I know that your jokes will make God laugh. Rest In Peace my dear brother.”
Ayon sa ulat, natagpuang wala nang malay ang komedyante sa kanyang condo unit. Kung matatandaan, unang inatake sa puso si Gary noong 2009 at naulit noong 2012.
Sumailalim din siya sa angioplasty ng ilang beses. Samantala, idinaan din ng beteranong aktor na si Jun Urbano sa Facebook ang pakikiramay sa mga naiwan ni Gary Lising.
Inalala rin niya ang huling pagsasama nila ng comedian, “Kailan lang nag treat si Noel ng lunch, ‘di namin alam na ‘yon na pala ang huling lunch namin with Gary. “Nag paalam na po ang kaibigan nating si Gary Lising. Sa langit naman daw siya magpapatawa. Bless his soul!”
Nakilalala nang husto si Gary Lising sa kanyang mga green jokes. Napanood siya sa sikat na TV gag show na Champoy noong dekada 80.