Matteo nagpakalbo na para sa Scout Ranger training

NAGPAKALBO na si Matteo Guidicelli sa pagsisimula ng kanyang Scout Ranger training sa Armed Forces of the Philippines.

Sasabak ang boyfriend ni Sarah Geronimo sa 30-day rigid training kaya pansamantala muna siyang magpapahinga sa showbiz.

Sa kanyang Instagram account, nag-post si Matteo ng mga litrato na kuha sa isang kampo ng AFP kung saan gaganapin ang kanilang training.

“This is it! I’m about to undergo a 30-day scout ranger training, officially starting NOW! It’s said to be one of the most gruelling programs in the Armed Forces.

“My AIRism shirts and DRY-EX shorts from @uniqlophofficial will surely give me comfort from the heat and sweat. Wish me luck!” ang caption ng binata sa isa niyang IG photo kung saan wala na nga siyang buhok.

Bago ito, ipinakita muna ni Matteo ang kanyang itsura sa kanyang followers na meron pang hair at nilagyan niya ito ng caption na, “Rangers lead the way. No backing down.”

Kamakailan, ibinalita ng aktor na opisyal na siyang miyembro ng Army Reserve Command at ginagawa niya ito dahil mahal niya ang bansang Pilipinas. Nais daw niyang ibigay ang kanyang serbisyo sa bayan sa pamamagitan ng pagiging sundalo.

Sa isang panayam, inulit ni Matteo ang sinabi sa kanila ni Major Gen. Bernie Langub, commander ng ARESCOM. Anito, “The rank is emplaced near their heart because it means only those who have the heart to serve will be fit to wear the uniform. It is beyond the uniform, it is all about willingness to serve the country and being prepared for any eventuality.”

Bago maging Army reservist, nauna munang nag-join si Matteo sa Philippine Coast Guard Auxiliary nitong nakaraang Marso kasama ang mga kaibigan niyang sina Erwan Heussaff at Nico Bolzico, asawa nina Anne Curtis at Solenn Heussaff.

Read more...