Sharon emosyonal nang muling mabuo ang pamilya

NAKAHABOL si KC Concepcion sa graduation ng stepsister niyang si Miel.

Flooding naman ang Instagram page ni Sharon Cuneta ng mga family pictures nila dahil kumpleto nga silang lahat, from Sen. Kiko Pangilinan, KC, Miel, Frankie at Miguel.

Present din ang best friend ng Megastar since Grade 2 na si Lorraine.
Anyway, sa isang caption ni Shawie, kinorek niya na @mielpangilinan ang IG account ng anak at hindi @miel_pangilinan.

Sa isang foto na magkasama sina KC at Miel, saad ni Sharon sa caption, “These two and one more came from my tummy!!! And my son came from my heart.”

Dito sa bansa magha-high school si Miel habang ang sister niyang si Frankie ay sa New York na mag-aaral simula ngayong taon.

Read more...