TRENDING uli at talagang pinag-usapan ng mga Kapuso viewers ang nakaraang episode ng GMA Telebabad series na Sahaya.
Natuwa ang mga manonood ng serye sa transformation ni Ahmad, ang character na ginagampanan ni Kapuso actor Miguel Tanfelix.
Pinag-usapan ng netizens ang new look ni Ahmad sa May 29 episode ng Sahaya at pinuri ng mga ito ang bagong look ng binata bilang isang Badjaw. Ayon sa kanyang mga supporters, mas lalong lumutang ang kaguwapuhan ngayon ni Miguel.
Narito ang ilang comments ng mga netizen sa bagong look ni Miguel bilang si Ahmad 2.0.
“Hi Miguel. Good eve! I’m so excited for Ahmad’s transformation. Yass, aasenso na siya. We’re so happy for Ahmad. #BagongBuhay AhmadMiguel!”
“Gwapo mo Papsh Ahmad.Hope to see you ayyy hope to have a picture with you pala @MiguelTanfelix_!”
“The new transformation of Ahmad.. Oh my ged! Miguel!”
“Ayan na nagshoshopping na si Ahmad nakakatuwa haha excited na ako sa version 2.0 ni Ahmad! Go!”
Nauna nang nag-trend ang transformation ni Sahaya (Bianca Umali) sa Sahaya nang i-makeover siya ni Lindsay (Ashley Ortega).
Pero siyempre, hindi riyan matatapos ang kuwento nina Ahmad at Sahaya dahil ngayong nawalay na sila sa kani-kanilang pamilya, asahan ang mas matitindi pang hamon na darating sa kanilang buhay. Kayananin kaya nila ang mga challenge?
Marami nang pagbabago ang dumating sa buhay nina Ahmad at Sahaya kaya patuloy silang samahan sa pakikipagsapalaran nila sa Maynila.
Napapanood pa rin ang Sahaya sa GMA Telebabad after Kara Mia, sa direksyon ni Zig Dulay.
Kasama pa rin dito sina Migo Adecer, Snooky Serna, Ana Roces, Zoren Legaspi, Mylene Dizon, Pen Medina, Eric Quizon at marami pang iba.