Sikreto ni Alden sa biglang pagpayat: kamote, saging na saba

ALDEN RICHARDS

PANSIN na pansin ang pagpayat ng Pambansang Bae na si Alden Richards.

Sa ilang litratong naglabasan sa social media na kuha sa opening ng bagong branch ng kanyang resto sa Cavite, kitang-kita ang mas payat niyang mukha at katawan.

Ayon sa Kapuso Drama Prince, nag-lose siya ng mahigit 20 pounds dahil top priority na niya ngayon ang health at physical wellness.

Aniya, high intensity workout at clean eating ang ginagawa niya ngayon, “Ang exercise ko ay high intensity workout.

Tapos in terms of food, no salt, no sweets, no fruit, no red meat.

“I can only eat sauteed sa olive oil na gulay. Any gulay, lahat! So, bubusugin mo ‘yung sarili mo du’n sa kamote at saging na saba.

“Tapos lean meat like chicken and fish,” aniya sa panayam ng GMA.

May advice naman ang binata sa mga nagda-diet, huwag na huwag n’yo raw gugutumin ang sarili, “When you say diet at hindi ka kakain, that’s not really the way to lose weight.

“You end up binging for more then you tend to gain more weight. So, hindi po talaga susi ang hindi pagkain.

“It’s about eating at the right time with the right food and with the right exercise,” paliwanag pa ni Alden.

Samantala, excited na ang mga loyal fans ni Alden sa nalalapit na pagpapalabas ng pelikula nila ni Kathryn Bernardo, ang “Hello Love Goodbye” sa direksyon ni Cathy Garcia Molina under Star Cinema.

Read more...