Sulat mula kay Merlinda, ng Barangay Lawigan, Bislig City
Problema:
1. Walong buwan ko nang ka-chat ang foreigner at napakainit na ng aming pagkakaibigan sa Internet at cam. Kaya naman masasabing boyfriend ko na siya at girlfriend na niya ako. Sabi niya sa akin sa December ay papasyal siya dito sa ating bansa upang yayain na akong pakasal.
2. Itatanong ko lang po kung siya na ba ang makakatuluyan ko, malaki po kasi ang agwat ng aming edad. Feb. 20, 1968 ang birthday niya at November 9, 1990 naman ang birthday ko.
Umaasa,
Merlinda, ng Barangay Lawigan, Bislig City
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang
Numerology:
Ang birth date mo ay nagsasabing susuwertehin ka sa pag-aasawa. Habang ang birth date ng ka-chat mo ay nabibilang sa weak number o mahinang numero, kaya sa sandaling kayo ay nagkatuluyan, may posibilidad na kahit na mas matanda o mas may edad siya sa iyo ay a-underin mo lang siya at susunod sa lahat ng iyong mga naisin at gusto.
Luscher Color Test:
Upang magtuloy-tuloy ang suwerte sa larangan ng pag-ibig at pakikipag-relasyon, panatilihin ang pagsusuot at pag-gamit ng kulay na berde at dilaw. Samantalang sa araw ng inyong kasal pula naman ang dapat gamiting motif. Sa ganyang paraan, magtutuloy-tuloy ang iyong suwerte at magandang kapalaran sa larangan ng pag-ibig at pag-aasawa.
Huling payo at paalala:
Merlinda, ayon sa iyong kapalaran sa taon ito magsisimula na ang iyong suwerte, sa pagdating ng kaibigan o boyfriend mong foreigner. Tulad ng inaasahan sa kanyang pagdating dito sa ating bansa, aayain ka na niyang magpakasal. Sunggaban mo agad ang napakagandang pagkakataong nabanggit sapagkat sa taon ding ito, sa iyong pag-aasawa, tulad ng nasabi na, susuwertehin ka, makapag-aabrod ka, uunlad at sa ibang bansa habambuhay na liligaya.
Matandang dayuhan (2)
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...