Mula kay Linda ng …2068. March 1, 1979 at November 17, 1973 ang birthday naming mag-asawa. Saan po ba kami aasenso sa abroad o dito na lang kami magnegosyo o magtrabaho ng asawa ko sa Pilipinas?
Tugon ni Madam Sophia: Kung may negosyo kayo dito o matatag na trabaho, maaari kayong umasenso sa ating bansa, dahil ang pag-asenso ay may katumbas na malaking suweldo o malakas na negosyo.
Subalit kung wala namang kayong malaking suweldo sa ating bansa at wala rin kayong inaasahang negosyo, mas mainam pa ngang mag-abroad na lang kayo upang umasenso.
Ayon sa birthday mo, sa taon 2014, may nakalaang pag-unlad kung kayo’y mangingibang bansa o magnenegosyo rito.
>>>
Mula kay Mimay ng Buhangin, Davao City. November 1, 1954 ang birthday ko. Suwerte po ba ako ngayong taon?
Tugon ni Madam Sophia: Ayon sa birthday mo, para suwertehin ka, lagi kang magsuot ng kulay na pula. Sapagkat ang kulay na pula ang magbibigay sayo ng suwerte at magandang kapalaran.
Habang ang kulay na lilac, magenta, violet, purple, asul, maroon at iba pang kauri nito ang secondary color naman na magbibigay din sa iyo ng suwerte. May nakalaang suwerte ngayong taon.
>>>
Mula kay Mane. January 20, 1987 ang birthday ko. Kailan po kaya kami magkaka-anak ng asawa ko?
Tugon ni Madam Sophia:
Ayon sa birthday mo, ngayong taon hanggang sa susunod na taon, magkaka-anak na kayo.
I-text kay Madam Sophia (July 19, 2013)
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...