StarStruck Avenger palaban sa hubaran: Hindi ako nahihiya | Bandera

StarStruck Avenger palaban sa hubaran: Hindi ako nahihiya

Jun Nardo - May 30, 2019 - 12:15 AM


HANDANG makipagsabayan ang StarStruck 7 alumnus na si Prince Clemente pagdating sa pagandahan ng katawan kina Ruru Madrid, Derrick Monasterio.

Kapag hinanap ang pangalan ni Prince sa Google, tatambad ang mga litrato niyang nakahubad kaya naman patuloy na dumarami ang kanyang fans, kabilang na ang mga beki.

Nakausap namin ang baguhang artista sa selebrasyon ng kanyang 22nd birthday kasama ang unwed at single mothers sa Mabuhay Deseret Foundation sa Cubao, Quezon City. Tinanong namin kung bakit hubad ang fotos niya.

“Ha! Ha! Ha! Proud ako sa body ko. Hindi birong training ang ginawa ko para makakuha ng ganitong katawan

“Hindi ako nahihiya na ipakita ang katawan ko. Para na rin sa hunk image ko,” rason ni Prince.

Ready na rin siya sa daring at mature roles dahil ‘yun ang path na tinatahak niya sa showbiz. Pero aniya, more than his hunky body, nais niyang makilala siya ng mga tao bilang mahusay na aktor kaya iyan daw ang gusto niyang patunayan.

Makakasama si Prince sa upcoming primetime series ng GMA Network, kung ano ‘yan, abangan n’yo na lang dear readers.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending