Claudine sa ‘gatecrasher fan’: I’m sorry… but please respect our privacy
“PLEASE respect our privacy!” ‘Yan ang pakiusap ni Claudine Barretto sa isa niyang fan na umano’y nag-gatecrash sa bahay nila sa Marikina.
Naalarma ang aktres pati na ang mga kasama niya sa bahay nang malaman ang ginawa ng nasabing fan.
Sa isang Instagram post ni Claudine, sunud-sunod ang naging comment ng isang netizen na nagsabing siya ang taong kinasuhan daw ng personal assistant ng aktres.
“Clau, ako ‘yung kinasuhan ng PA mo na gatecrasher sa Marikina. Fan mo ako pero na-upset nang instead na kitain mo ganun nangyari,” simulang pahayag ng netizen.
“Ang naisip ko depressed ka lang kaya tumaba at I witnessed na iyak ka nang iyak sa radio nung muntik ng mamatay asawa mo. Kaya ‘di dapat kayong maghiwalay. You look as if you are just 18 years of age.
“Christian na kayo ni Raymart, ‘di dapat kayong magkahiwalay,” na ang tinutukoy ay ang estranged husband ni Claudine na si Raymart Santiago.
Nang mabasa ni Claudine ang mensahe ng kanyang fan, agad niya itong sinagot.
“I’m sorry but we cannot and don’t entertain people we hardly know, let alone allow strangers to come to our home uninvited.
“I’m sorry to disappoint you but it’s not proper and right to just go to anyone’s house when they don’t even know you. My staff we’re just doing their job and that is to protect me especially my CHILDREN,” ani Claudine.
Pagpapatuloy pa niya, “God bless. Hope this stops here with me and doesn’t happen to anyone in the future. Please respect our PRIVACY.”
Narito ang ilang comments ng mga IG followers ni Claudine.
Sey ni @wave_sky77, “@claubarretto agree with u. Lets respect one’s privacy. Hindi porke fan/fans tayo eh basta basta nalang tayong mag invade sa privacy ng artista…just saying.”
Komento naman ni @akosikyudin, “Let us not meddle with their lives, every family has their own flaws. Give them privacy, being a Christian is not easy beacuse we are human. We make mistakes, and we should learn from it. And please keep refrain using the words ‘christian na kayo’. They know they’re mistake and they’re still hurt from the past.
“Those words were the hurtful things you would hear from a stranger. I’m telling you, being Christian is not easy. You’ll have to live in righteousness in the world full of evilness.”
Sabi ni @keen_dims24, “@claubarretto you’re right po. Even celebrities has their own privacy. Hindi porket open book sa lahat ang buhay nila pwede ng manghimasok ng fans sa personal life nila. Everything in this world hasbits own limitations. You’re PA done a very good job in protecting you and your family. Godbless po.”
“Wag po ganyan na sobra nyong agresibo. Kapag fan ka ilagay mo sarili mo sa lugar. Abangan mo sya kung saan may hinandang araw para sa fan hinde yung ganyan napasok nlang sa bahay ng may bahay… sobrang kapal nman po ng mukha nyo ako na nahihiya para sayo. Pati personal life nya pinapakialaman mo,” comment ni @your_graceee.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.