MAY P1 milyong start-up capital, kasama ang training at mentoring, ang naghihintay sa mga seafarer na may pinakamagandang business plan proposal sa paglulunsad ng 2019 NRCO-ISP Business Plan Competition ng National Reintegration Center for OFWs (NRCO), kasama ang Integrated Seafarers of the Philippines (ISP).
Nasa ikalimang taon na ngayon ang kompetisyon ay naglalayong tulungan ang seafarer at ang kanyang pamilya na makapagtayo ng sariling negosyo at makatulong sa pag-unlad ng kanilang komunidad.
Ayon sa kasabihan, ang unang hakbang ang pinakamahirap. Mukhang nakakatakot sa umpisa ang pagbubuo ng business proposal, ngunit narito ang pamahalaan para tumulong. Gawin ninyong inspirasyon ang apat na grand prize winner mula sa mga naunang kompetisyon.
Ang mga dating nanalo sa kompetisyon ay sina William Gaspay, na nagmamay-ari ng seaweed farm sa Masinloc, Zambales; Ryan Mark Antiquera, na may soft broom business sa Bicol region; Capt. Oswald Rollorazo at Jason Javier, na nagmamay-ari ng ruminant feeds production and distribution business sa Tarlac; at Dr. Nelson Mejia, na nakatakdang magtayo ng Metro Cebu Express, isang alternatibong transportasyon para sa mga Cebuanos.
Ngayong taon, ang grand winner ay makatatanggap ng P500K, samantalang ang first runner up at ang walong iba pang kalahok ay makatatanggap ng P100K at P50K, ayon sa pagkakasunod.
Ang kompetisyon, na naglalayon lamang para sa pag-uumpisa ng negosyo, ay bukas sa mga aktibo at di-aktibong Filipino seafarer na may edad 25 pataas. Maaaring lumahok ang di-aktibong seafarer, ngunit kinakailangang na namalagi sila sa Pilipinas nang hindi hihigit sa limang taon. Ang mga interesadong seafarer ay maaaring magsumite ng kanilang proposal bilang solo, duo, o grupo na binubuo ng tatlo hanggang limang miyembro.
Sa mga nagnanais na sumali sa kompetisyon, ngunit kasalukuyang on-duty, ay mayroon dapat na isang opisyal na kinatawan (miyembro ng pamilya) na mangangasiwa sa lahat ng gawain na kinakailangan sa kompetisyon.
Ang pagsusumite ng proposal ay mula Mayo 22 hanggang Setyembre 6, 2019.
Sa mga matatanggap na proposal mula sa kompetisyon, 10 ang pipilin at tutuloy sa mentoring round sa Oktubre kung saan sila ay sasailalim sa coaching session para mas maisaayos ang kanilang business plan.
Sa final round na nakatakda sa Nobyembre, ipiprisinta ng kalahok ang kanyang business plan sa mga hurado. Ang kanilang isinaling business plan ay pagpapasiyahan batay sa content, impact to the community, financial viability, clarity of presentation, at drive and determination ng business plan owner.
“Mahirap maging marino kasi malayo sa pamilya. Pero sa pakikinig ko, nalaman ko na mahalaga itong programa kasi nagbubukas ng oportunidad para sa mga marino na katulad ko. Dito pala sa ating bansa mayroong oportunidad na kumita ng pera,” ani Brix John Cordova, isang seafarer na lumahok sa paglulunsad at nagnanais na magtayo ng negosyo sa agrikultura.
Maaaring i-download ng interesadong OFW seafarer ang entry form at business plan format sa NRCO website: www.nrco.dole.gov.ph.
Para sa karagdagang impormasyon at detalye ukol sa kompetisyon, pumunta lamang sa ISP website: www.isp.org.ph at sa NRCO official Facebook page:https://www.facebook.com/NRCOCentral/.
NRCO OIC-Director Roel Martin
Information and Publication Service
Department of Labor and Employment
Intramuros, Manila
Telephone Nos.: 5273000 local 621-627
Fax No.: 5273446
Home
COCA COLA PHILIPPINES IN PARTNERSHIP WITH NATIONATIOL REINTEGRATION CENTER FOR OFWs (NRCO) FACILITATES THE CONDUCT OF THE TRAINING OF TRAINERS (TOT) ON WOMEN REACH ENTERPRENEURSHIP MODULES
nrco.dole.gov.ph
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line?
Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.