Never say die

MAGBUNYI at magsaya. Matapos ang 40 taon ay nananatiling numero unong propesyonal na koponan ang Barangay Ginebra San Miguel.
Siyempre pa, ito ay dahil sa kanilang NEVER-SAY-DIE brand of game na nag-ugat pa kay “Da Living Legend” Robert Jaworski Sr.
Matalo man o manalo, asahang patuloy na tinatangkilik ng mga tao ang Gin Kings dahil sa hindi sila marunong sumurender sa laban magpahanggang ngayon.
Bilang pasasalamat sa barangay ay inilunsad ng GSM ang 2019 Never Say Die Jersey Collection.
At tulad ng inaasahan ay nandito ang Numero 7 ni Jaworski. Siyempre, narito rin ang “The Fast and the Furious” combination nina No. 13 Jayjay Helterbrand at No. 47 Mark Caguioa.
Para sa mga fans ni Scottie Thompson, available din ang kanyang No.6 jersey.
Tampok din ang No. 32 jersey ni Justin Brownlee na kasalukuyang import ng koponan sa 2019 PBA Commissioner’s Cup.
Kampeon noong nakaraang season sa Commissioner’s Cup ang Ginebra na pinagbidahan ni Brownlee.
Pero bakit nga ba espesyal ang 2019 Jersey Collection?
“This is the first time in the 40-year history of Barangay Ginebra San Miguel that ‘Never-Say-Die’ is featured in the team jersey. Barangay Ginebra San Miguel has become synonymous to the never-say-die spirit that has been the mantra not only of the Gin Kings but also of every kabarangay. Our tribute to never-say-die, which began with coach Robert ‘Sonny’ Jaworski, Sr., is also a tribute to the team’s legions of fans who have not only embraced and loved the team but also embodied the never-say-die attitude,” sabi ni Ginebra San Miguel Brand Manager Paolo Tupaz.
Upang makasungkit ng mga jerseys, bumili ng kahit anong produkto ng Ginebra. Kailangan ng anim na takip ng Ginebra San Miguel o limang takip ng GSM Blue, GSM Blue Flavors, Primera Light Brandy at Ginebra San Miguel Premium Gin upang makakuha ng jersey sa halagang P100 na makukuha sa iba’t-ibang pamilihan. Hanggang Hunyo 30, 2019 ang Ginebra San Miguel 2019 Jersey Collection.
Patuloy na maririnig ang buhay na buhay at nakabibinging sigawan ng GI-NEB-RA, GI-NEB-RA sa Philipppine Basketball Association.
At natitiyak kong karamihan sa mga manonood sa laban ng Gin Kings ay suot ang 2019 Never Say Die Jersey Collection.

Marcelo Felipe numero uno

Mabuti na lang may PRUride PH 2019 sapagkat hindi lang napapanatili nito ang sigla ng cycling sa bansa kundi ang taunang padyakan ay nagiging daan upang lalo pang pagtibayin ang samahan ng pamilyang Pilipino.
Mula sa Inglatera ang life insurer na Pru Life na tunay na may pagmamahal upang sa mga siklistang Pinoy.
Alam niyo bang ang PRUride PH 2019 ang pinakamalakas at pinakamalaking padyakan hindi lang sa Pilipinas kundo sa Asya. Dito ay makikita at mapapanood ng mga miron ang tibay ng dibdib at lakas ng katawan ng pinakamahuhusay na siklista ng Pilipinas at maging mula sa ibang bansa.
Ginawa ang unang yugto ng PRUride PH 2019 sa Filinvest City sa Alabang noong Abril at umarangkada muli nitong Mayo 23-26 sa Subic Bay Metropolitan Authority.
Humakot ng sangkaterbang cycling fanatics ang PRUride PH 2019 na nakarating pa sa sikat na Mt. Samat sa Bataan.
Upang lalo pang maging masaya ay may konsyerto din ang Callalily at Gracenote sa Harbor Point.
Nagwagi si Pinoy professional cyclist Marcelo Felipe ng 7-11 CLIQQ Air21 sa overall at nakuha rin niya ang parangal bilang Best Filipino Rider at King of the Mountain.

Read more...