Aicelle Santos bagong ‘Regine’ ng GMA 7

AICELLE SANTOS

Si Aicelle Santos na raw ang bagong Regine Velasquez ng GMA 7. Grabe kasi ang mga papuri sa kanya ng Kapuso viewers at netizens kapag nagpe-perform sa Sunday musical show na Studio 7.

Sa nakaraang live episode ng programa, talagang nag-shine siya nang todo kasama ang iba pang Studio 7 performers including Golden Cañedo, Jong Madaliday, Mirriam Manalo at Garrett Bolden para sa isang powerhouse ballad performance.

Hindi lang mga netizens ang pumuri kay Aicelle kundi pati ang mga kaibigan niyang celebrities.

Sabi nga ng ilang nag-comment, siya na ang bagong Regine ng GMA dahil siya na ang pang-finale at talagang world-class ang dating!

Read more...