Gabbi Garcia kinakarir ang ‘pagputok’

GABBI GARCIA

Hindi sinasadyang nasilip ang title ng upcoming Kapuso series na pagbibidahan nina Thea Tolentino at Gabbi Garcia.

Nakuhanan ng litrato ang cover ng script na nasa mesa sa harap ng ilang cast members.

Rosa Agimat ang title nito kung saan makakasama nga ang nagbabalik-Kapuso na si Eddie Garcia.

Makakasama rin sa cast sina Celia Rodriguez, Roi Vinzon, Kristoffer Martin, Jeric Gonzales, Gil Cuerva, Luz Valdez, Victor Neri, Tonton Gutierrez at present din sa story conference ang director na si Toto Natividad.

Para sa series na ito, nag-aaral na ng pagbaril si Gabbi. Aksyon kung aksyon daw kasi ang mga eksena ng aktres. Magpapaka-action star naman ang dalaga this time kaya naman kinakarir niya ang pagte-training.

Ang iba pang upcoming series ng Kapuso Network ay ang Prima Donnas kung saan ka-join naman ang isa pang nagbabalik-Kapuso na si Aiko Melendez.

Ikinakasa na rin ang reunion series nina Kris Bernal at Rayver Cruz habang underway na rin ang preparasyon sa bagong series ni Dennis Trillo.

Samantala, ipinaaalala ng GMA Network sa masugid nilang manonood lalo na sa Mega Manila na i-rescan na ang kanilang digital TV boxes para patuloy na mapanood ang GMA at GMA News and Public Affairs shows nang ma mabilis.

Sa dagdag na impormasyon, tumawag sa 462-8177, 6AM to 10PM o mag-email sa signalreception@gmanetwork.com.

Read more...