MAAGANG banat ang tweet ng broadcast journalist na si Atom Araullo kahapon.
“Good morning sa lahat pwera sa mga ginagawang katatawanan ang rape,” ang bagong hugot ni Atom na ipinost niya sa Twitter.
Wala mang binanggit na pangalan si Atom pero ang paniwala ng netizens ay para ito kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Nitong nakaraang araw kasi, nagbiro si Presidente tungkol sa rape nang dumalo siya sa graduation ng bagong batch ng Philippine Military Academy.
Sa kanyang speech, nabanggit niya ng ilang beses ang rape.
Agad namang dumepensa ang Malacañang na joke lang daw ang pahayag ni Pangulong Digong at hindi na dapat pang palakihin o bigyan ng maling interpretasyon.
Wala mang binanggit na name si Atom sa tweet, kayo na ang bahalang humusga kung sino ang pinatatamaan niya.