Angel nag-ala-Spider Man, game na game sa buwis-buhay stunts

NAG-ALA-SPIDER MAN si Angel Locsin sa ilang buwis-buhay na eksena sa Kapamilya series na The General’s Daughter.

Dahil dito, maraming fans ng aktres ang nagsabi na siya na lang uli ang gumanap na Darna dahil feeling nila kering-keri pa rin ni Angel na gampanan ang role.

Kung kinaya raw ng dalaga ang umakyat-baba sa 15-floor building tulad ni Spider-Man si TGD ay makakaya rin niya ang iba pang stunts at fight scenes sa “Darna”.

Sa Twitter, ipinost ng Dreamscape PR na si Eric John Salut ang ilang BTS (behind-the-scenes) photos na kuha sa taping ng The General’s Daughter. Makikita sa mga litrato si Angel bilang si Rhian Bonifacio na nagra-rappel pababa sa isang side ng mataas na building.

Narito ang ilan sa mga comments ng netizens sa pagiging action star ni Angel.

Ayon kay @ronn_estella, “Sir EJ @ericjohnsalut , let’s make a petition para si @143redangel nalang ulit ang mag-DARNA! Kitang-kita naman na bagay na bagay parin sa kanya! Wag nang pahirapan ang ABS sa pagpili. Ito na sya oh! Hahaha!”

Comment ni @InfanteLasdy, “Parang ako ang nalula parang kay Ms. Angel… Mahirap talaga matapatan ang pagiging Darna mo Ms.A…Ikaw nalang kaya ulit. Cge na last try.hehehe. Ingat po palagi sa taping.”

Sey naman ng isa pang fan ni Angel, “Please Angel mag Darna ka na uli! Kayang kaya mo yan! Tamang training lang ang kailangan mo. Im sure ibibigay lahat ng ABS CBN and Star Cinema ang kailangan mo to ensure your safety!”

Si Angel ang original choice para lumipad uli bilang Darna sa pelikula but due to health concerns dahil sa kanyang spine ibinigay ito kay Liza Soberano pero nag-resign din ang dalaga dahil naman sa kanyang fractured finger.

Read more...