Totoo ba, KC buntis na?…lilipat na rin daw sa GMA 7?

KC CONCEPCION

INAMIN ni KC Concepcion na sa edad niyang 34 ay handa na siyang magkaroon ng sariling pamilya.

Ilang tanong mula sa kanyang Instagram followers ang sinagot ng anak ni Megastar Sharon Cuneta kabilang na ang tsismis na buntis na raw siya courtesy of her French boyfriend, Pierre-Emmanuel Plassart.

Comment ng isang netizen, “Bakit may nagcomment o nagtanong dito na PREGNANT kasi blooming? Napaka-smart naman sa tanong na ito. Hehehe. Pangit ba si KC kung hindi pregnant? What do you think?”

Sagot naman ni KC, “Oh, how I WISH I could be pregnant.” Dugtong pa niya, “Unfortunately, I’m not. I do want to have babies already though.”

Isa namang netizen ang nagkomento ng, “Wala ng balita about your boyfriend. Dati panay ang post pero ngayon wala na. ganun lang ba yun? Ganun lang ka shortlived?”

Reply naman sa kanya ng dalaga, “Dahil hindi nagpopost at may konting privacy, ganun agad? Grabe.”

Ang huling post ni KC sa kanyang Instagram ng photo nila ni Pierre ay noon pang April 11, na kuha nang magbakasyon sila sa Malibu, California.

Samantala, matapos ang ilang buwang pamamalagi sa Amerika, balik-Pinas na si KC at ang una niyang ginawa pagkauwi ay ang pakikipag-bonding sa mga kapatid na sina Frankie at Miguel, base na rin sa mga ipinost niya sa kanyang Instagram Stories.

Ang isa pang dapat abangan kay KC ay kung totoo ang mga tsismis na lilipat na rin siya sa GMA 7.

Matagal-tagal na rin kasi siyang walang project sa ABS-CBN kaya may mga chika na baka mag-transfer na siya sa Kapuso Network kung saan ngayon napapanood ang kanyang amang si Gabby Concepcion via the Kapuso series Love You Too.

Read more...