P210M jackpot nakuha sa Tondo

ISANG mananaya ang nanalo ng P210.7 milyong jackpot prize ng Grand Lotto 6/55 sa bola noong Lunes ng gabi.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office ang nanalo ay tumaya sa Hermosa st., Tondo, Manila.

Isa lang ang nakakuha ng winning number combination na 02-04-06-08-24-01.

Ang premyo ay papatawan ng 20 porsyentong buwis alinsunod sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion. Hindi lamang ang jackpot prize ang pinapatawan ng buwis kundi ang lahat ng premyo sa lotto na mahigit P10,000.

Nanalo naman ng tig-P12,050 ang 132 mananaya na nakakuha ng limang numero.

Tig-P310 naman ang 4,018 mananaya na nakaapat na numero at balik ang P24 taya ng 43,046 mananaya na nakatatlong numero.

Read more...