KABILANG ang Ma Ling sa listahan ng mga processed pork products na insyuhan ng pansamantalang ban na kung saan 16 na bansa ang sinasabing apektado ng African swine fever virus, ayon sa Food and Drug Administration (FDA).
Sinabi ng FDA na kabilang sa mga sakop ng ban ay ang mga processed pork meat products mula sa Vietnam, Zambia, South Africa, Czech Republic, Bulgaria, Cambodia, Mongolia, Moldova, at Belgium.
Nauna nang inisyuhan ng ban noong Setyembre 2018 ang pitong bansa kabilang na ang China, Hungary, Latvia, Poland, Romania, Russia, at Ukraine.
Sinabi ni FDA Officer-in-charge Eric Domingo na layunin ng kautusan na hindi makapasok ang virus sa bansa.
MOST READ
LATEST STORIES