P218.4-M cocaine natagpuan sa Sorsogon

AABOT sa P218.4 milyon halaga ng cocaine ang narekober sa bahagi ng dagat na malapit sa Gubat, Sorsogon, nitong Lunes, ayon sa pulisya.

Natagpuan nina Melvin Gregorio, Loubert Ergina, at John Mark Nabong ang iligal na droga sa loob ng 12 kahon, habang sila’y nangingisda malapit sa Brgy. Bagacay dakong alas-12 ng tanghali, aani Maj. Ma. Luisa Calubaquib, tagapagsalita ng Bicol regional police.

Inulat ito ng chairman ng Brgy. Bagacay sa lokal na pulisya, na nag-inspeksyon sa mga kahon at nakatagpo ng 40 bloke sa loob. 

Kasunod nito’y itinurn-over ang mga kahon sa Provincial Crime Laboratory, na nagdeklarang 39 kilo ng cocaine ang nasa loob.

“The recovery of the items with the help of the members of the community is a reaffirmation of the solid partnership of the police and the public,” ani Calubaquib.

Madadagdag ang narekober sa mahigit P1 bilyon nang halaga ng cocaine na natagpuan sa iba-ibang bahagi ng eastern seaboard ng Pilipinas, simula Pebrero. 

Read more...