Payagan kaya si Arjo ng ABS-CBN na maka-date si Maine sa Star Magic Ball? | Bandera

Payagan kaya si Arjo ng ABS-CBN na maka-date si Maine sa Star Magic Ball?

Reggee Bonoan - May 29, 2019 - 12:15 AM

MAINE MENDOZA AT ARJO ATAYDE

MALAPIT na naman ang Star Magic Ball at dahil alam naman ng lahat na sina Arjo Atayde at Maine Mendoza na posible kayang um-attend silang magkasama sa ABS-CBN annual event?

May nagsabi sa aming, “I hope APT management will allow Maine to attend the Star Magic Ball with Arjo. But the problem is baka ang ABS naman ang hindi pumayag na maka-date ni Arjo si Menggay coz they will be the center of attraction sa event. At maraming Kapamilya stars ang ma-starstruck kay Maine.”

Pa-rang hindi naman tama ang terminong ma-starstruck dahil pawang mga sikat din naman ang mga Kapamilya stars ang dadalo sa Star Magic Ball at hindi naman sila fans.

Natural ‘yung titingnan sina Arjo at Maine pero ‘yung sabihing magkakaroon ng problema ay malayong mangyari. Maraming GMA artists din naman ang dumalo na sa Star Magic Ball pero hindi naman nagkaproblema.

May nagsabi ring, “Baka dumugin sila ng reporter pag nagsama sila sa annual ball. Ayaw pa naman ni Arjo ng ganoon.”

Ang mga TV reporter, online writer at bloggers lang ang present sa Star Magic Ball at sa red carpet lang sila nakapuwesto, pagkatapos rumampa ng mga artista ay papasok na sila sa loob ng venue at hindi na sila makakausap ng mga katoto.

Kaya kung ito ang agam-agam ng supporters ni Maine ay nakasisiguro kaming safe ang dalaga kung dadalo siya sa event.

Samantala, pagkatapos magkakilala nang personal sina Sylvia Sanchez at Maine nu’ng Mayo 23 ay sinimulan na nilang i-follow ang isa’t isa sa Instagram.

Anyway, may nabasa naman kaming basher ng ArMaine na nagulat na pina-follow na ni Maine ang mama ni Arjo at hihintayin na lang nila kung ano ang announcement ng dalaga.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending