Kilala na si Kyle Echarri bago pa man mapasama sa bagong batch ng Star Magic Circle 2019. Kaya ang iba ay nagtaka kung bakit isinama pa sa grupo ang dating The Voice Kids Season 2 Top 6 finalist.
Sa pagkakaalam namin after ng The Voice, lahat ng grand finalists ay pasok na agad sa Star Magic pero baka may bago ng proseso ang management about this.
Hindi naman nag-inarte si Kyle at tumanggi na mapasama sa bagong batch ng Star Magic Circle na karamihan nga ay mga baguhan pa talaga.
“Oh, syempre po, para sa akin I don’t look on anyone lower than me or higher than me. Kasi sa lahat po ng artistang nakilala ko, wala pong mayabang. Syempre, you always keep your feet on the ground. Also, Mr. M (Johnny Manahan) has big plans for the whole group, hindi lang ako,” pahayag ni Kyle.
And now, killalang kilala ngayon sa mga tahanan ng Pinoy TV audience dahil sa nagunguna hindi lang sa rating kundi sa trending sa social media, ang Kadenang Ginto where Kyle portrays the role of Kristoff Tejada.
“Sabi po ni Sir Deo (Endrinal, Dreamscape executive) at least, the whole year daw po ‘yung Kadenang Ginto,” lahad ni Kyle sa amin.
Magsi-16 pa lang si Kyle pero napakatangkad na sa kanyang edad. Wala raw siyang crush ngayon.
Although, pini-pair siya kay Francine Diaz na kasama rin nila nina Andrea Brillantes sa Kadenang Ginto.
“Sa ngayon po walang crush-crush. Syempre kami po ni Francine ang loveteam ngayon, and hindi ko po alam kung may mabubuo or wala. Pero I’ll take the day as it goes kung mangyayari, mangyayari. Pero kung hindi, hindi. Sa ngayon focus po talaga sa trabaho,” lahad ng binatilyo.
Kinumusta rin namin kay Kyle si Jayda, ang anak nina Jessa Zaragosa at Dingdong Avanzado, “Ow, magkaibigan naman po kami. We’ve been friends for a while, kami po nina Darren (Espanto) tsaka ni Jayda magkakaibigan naman po kami.”
May balita na magkarelasyon na raw sina Jayda at Darren, pero bago ‘yan, na-link din si Kyle kay Jayda. May namumuo kayang love triangle sa kanila?
“Hindi naman. Wala naman pong ganyan. Si Jayda kaibigan ko lang po talaga. Para ko rin siyang nanay din, e,” sagot ng bagets.
Nanay talaga ang turing niya kay Jayda? “Kasi kapag may problema po ako tinutulungan niya po ako.”
Sabi namin kay Kyle, pinatatanda naman niya agad si Jayda, “Opo, matanda po ‘yung isip noon, e. Mature na ‘yung pag-iisip niya.”
May nagsasabi na siya na raw ang pumalit sa “pwesto” ni JK Labajo na dati ring The Voice Kids finalist.
“Hindi ko po masabi na I replace JK. He is still singing his very famous song, ‘Buwan.’ Actually, wala na po kaming communication. Hindi ko po masabi na ako ‘yung nag-replace sa kanya kasi I want to be known as Kyle Echarri,” tugon niya.
Ang mga kasama ni Kyle sa Star Magic Circle 2019 ay sina Gillian Vicencio na napanood namin sa pelikulang “Eerie,” Belle Mariano, Glen Vargas, Kendru Garcia, Arielle Roces, Eisel Serrano, RA Lewis, Javi Benitez, Aiyanna Waggoner, Arrabella del Rosario, Anthony Jennings, JC Alcantara, Sophie Reyes, Melizza Jimenez and Jeremiah Lisbo.