Ion napaamin sa relasyon nila ni Vice Ganda dahil sa ‘kilikili’

ION PEREZ AT VICE GANDA

WALANG nagawa si Vice Ganda sa pambubuking sa kanya ng rumored boyfriend at kasamahan sa It’s Showtime na si Ion Perez.

Ibinandera ni Ion ang sweet moments nila ni Vice on national TV. Dahilan para matapos ang espekulasyon sa tunay nilang relasyon.

Naganap ang pag-amin ni Ion sa relasyon nila ni Vice sa “Kapare-Who” segment ng noontime show sa Kapamilya network.

Naging topic kasi sa naturang segment ang tanong kung saang part ng katawan ng mga contestant sila may kiliti. Kaya sumegway naman si Vice sa katabi niya that time sa stage na si Ion at nagtanong ng,

“Ikaw, saan ang kiliti mo?”

“Sa kilikili, ‘di ba lagi mo yun hinahawakan,” something to that effect na tugon ng binata kay Vice.

Nagulat ang TV host-comedian at ‘di agad nakapagsalita. Sinabayan pa ito ng umaatikabong kantiyaw mula sa mga kasama niya sa show.

Hindi ba’t may kasabihan na sa bibig nahuhuli ang isda?

Read more...