Jolina naiyak matapos ang helmet diving challenge sa Bora

JOLINA MAGDANGAL

Napaiyak si Jolina Magdangal matapos ma-overcome ang kanyang takot na lumubog sa ilalim ng dagat.

Sa 3rd anniversary episode kahapon ng Magandang Buhay nagtagumpay ang singer-actress sa challenge ng kanilang morning show. Talagang magkahalong nerbisyo at excitement ang na-feel niya nang kumasa sa underwater activity na helmet diving sa Boracay.

Nakasama rito ni Jolens ang kanyang co-hosts na sina Melai Cantiveros at Karla Estrada. Nang makita ang ganda sa ilalim ng dagat, naiyak talaga si Jolina. Proud siya na nagawa niya ang challenge.

“Hindi n’yo ako pinabayaan, sobra kong na-appreciate. Doon ko na ano na makakapagtiwalaan ko lahat at nandoon na ‘yung test of friendship,” sey ni Jolina kina Karla at Melai.

“Isa pa kaya ako naiiyak kasi alam ko na pagdating ko sa hotel ay ikukuwento ko ito kay Pele at kay Mark (Escueta) kasi alam nila na takot ako sa tubig. Sila nagsu-swimming sila, ako nasa gutter lang ako,” aniya pa.

Read more...