Sharon, Kiko proud na proud sa 2 award ni Miel sa iskul

KIKO PANGILINAN, MIEL AT SHARON CUNETA

PROUD na proud sina Sharon Cuneta at Sen. Kiko Pangilinan sa tinanggap na mga award ng kanilang anak na si Miel sa school.

Nag-post si Mega sa kanyang Instagram account ng litrato nila nin Kiko kasama si Miel matapos itong bigyan ng dalawang academic awards kahapon, ang Excellence Awards in English and Filipino.

“What a wonderful way to start the day!!! Congrats to our baby girl,” caption ng Megastar sa kanyang IG post.

Dugtong pa niya, “We are so very proud of you, our dearest Yellie (nickname ni Miel) !!! Thank you for the happiness you have given us! I love you more than words can ever say.”

Ibinandera rin ni Sen. Kiko ang nararamdamang niyang kaligayahan sa accomplishments ng anak, “Congratulations Yellie! So proud of you. Nagbunga din ang ating araw araw na paglalaro gamit ang wikang Filipino ng bahay bahayan, carinderia carinderia at yung Pretend Play na ikaw si Bantay ang aming alagang Tuta. Aw, aw!”

Si Miel ang bunsong anak ni Kiko kay Sharon. Ang panganay nila ay si Frankie at meron din silang adopted son, si Miguel.

Read more...