‘Gout’ ni Vhong nag-trending dahil sa pang-aasar ni Vice

VHONG NAVARRO AT VICE GANDA

Nag-trending pala ang panunukso ni Vice Ganda sa kanyang kaibigan na si Vhong Navarro sa isang episode ng It’s Showtime.

Sa “Tawag ng Tanghalan” segment ng noontime show, pinanindigan ni Vice na kaya raw absent si Vhong nu’ng araw na yun ay dahil may gout ang komedyante at namamaga ang tuhod nito.

Ipinakita pa ng Unkabogable Star ang text message ni Vhong kung saan tinatanong ng nanay nito kung totong may gout ang anak kaya palagi itong absent sa Showtime.

Hirit naman ni Vice, “Tita, kilala niyo po ako, komedyante po ako pero hindi po ako sinungaling.”

Dito na sinabihan ng TV host-comedian ang viewers na ipa-trend nila sa Twitter ang “VhongHasGout” hashtag kaya naman mabilis itong pinag-usapan sa social media at naging third most talked about topic pa nationwide.

Kaya naman agad na nag-tweet si Vhong at dinenay na wala siyang gout kasabay ng “pagbabanta” niya kay Vice, “LaGout ka sa akin bukas!”

Sagot naman sa kanya ni Vice, “Hahahaha! I LOVE YOU VHONG!!! @VhongX44!”

Matapos ito nag-post uli ang gay comedian ng, “Maraming salamat po Madlang People at sinamahan nyo kami sa lahat ng mga ganap namin sa Showtime kanina pati sa mga harutan. Para tayong isang pamilyang nagabibiruan at nagtatawanan. Ganyan lang. Goodvibes lang.”

Read more...