Julia Montes nagparamdam sa socmed, nag-thank you sa ABS-CBN

JULIA MONTES

Muling nagparamdam ang Kapamilya actress na si Julia Montes sa social media para magpasalamat sa ABS-CBN.

Ilang taon na ring hindi napapanood si Julia sa TV at pelikula. Ang huli niyang serye ay ang Asintado hanggang sa mapabalita ngang nabuntis at nanganak na siya courtesy of her rumored boyfriend Coco Martin.

Natuwa naman ang kanyang fans at social media followers nang mag-post uli ang dalaga sa kanyang Instagram account patungkol sa 65th anniversary ng ABS-CBN.

“Maraming Salamat po sa istasyong patuloy na tapat nagseserbisyo at nagpapasaya sa ating mga Kapamilya saan ma’ng sulok ng mundo… Salamat din po na sa 65 years ay isa po ako sa binuo nyo ang mga pangarap.

“Maraming salamat sa lahat ng oportunidad na ibinigay ninyo sa akin para mapakita ang konti pong kakayahan kong binigay ng Diyos. Salamat pong muli KAPAMILYA,” pahayag ni Julia.

Read more...