Bistek balik-showbiz, gustong magdirek: Kung may trabahong naghihintay Sa Akin, why not?!

HERBERT BAUTISTA

KUNG kakaririn ni outgoing Quezon City Mayor Herbert Bautista ang pagdidirek, kailangang mag-aral muna siya ng filmmaking.

Ngayong magpapahinga muna siya sa mundo ng politika, maraming pwedeng gawin si Bistek pero aniya, uunahin muna niya ang kanyang mga anak para makabawi sa mga panahong nagpaka-busy siya sa public service.

Hindi rin niya isinasara ang posibilidad na bumalik sa pag-arte na una niyang minahal bago pumasok sa politics, “Kung may trabahong naghihintay sa akin, why not? Diyan naman tayo lumaki. Saka may production outfit naman ang kapatid kong si Harlene (Heaven’s Best), kaya puwede rin akong gumawa ng movie.”

At kung magkakaroon ng chance na makapagdirek para sa Heaven’s Best Entertainment, tatanggapin niya ang hamon pero, “Siyempre, dapat mag-aral muna ako ng filmmaking para hindi ako mapahiya sa mga makakatrabaho ko, dapat alam ko ang ginagawa ko.”

May mga fans naman si Bistek na nag-suggest, pwede raw silang mag-collaborate ng ex-girlfriend niyang si Kris Aquino para sa isang project ngayong wala na siya sa politika.

Samantala, bago tuluyang magpaalam sa Quezon City Hall bilang alkalde, ratsada na si Mayor Bistek sa pag-iikot sa lungsod para sa mga iiwan niyang proyekto.

Nitong weekend, tinuhog niya ang pag-attend sa inagurasyon ng dalawang eskuwelahan at turn-over ng pinagawang housing units na pinangalanang Bistekville at isa pang event sa Tierra Pura subdivision.

Umaga pa lang nitong nakaraang Biyernes ay nagtungo na siya para ma-check ang bagong building para sa senior high school ng Emilio Jacinto sa Brgy. Pasong Tamo.

“Sana sa pangalagaan ng mga estudyante itong building na ito kasi para sa kanila rin naman ito,” pahayag ni Mayor Herbert na kahit kailan ay hindi nakalimot magpasalamat sa members ng entertainment media na patuloy na sumusuporta sa kanyang showbiz and political career.

Pagkatapos nito, lipat naman sila Brgy. Tandang Sora para sa turn-over ng building ng Tandang Sora Senior Highschool na sinundan pa ng pagbisita sa ipinatayong Bistekville sa Brgy. Culiat. Ang huli niyang pinuntahan ay ang event sa Tierra Pura subdivision.

Sa pagbisita ng aktor-politiko sa mga bagong-tayong eskuwelahan at sa Bistekville, iisa ang kanyang naging concer, ang safety aty security ng mga mag-aaral at mga residente roon dahil nga masikip ang daanan papasok.

Kaya agad niyang inatasan ang mga taong nasa likod ng mga nasabing proyekto na siguruhin agad ang kaligtasan ng mga kababayan nila lalo na kapag may sunog at lindol.

Ibinalita rin ni Bistek na bago magtapos ang kanyang termino sa June 30, marami pa silang eskuwelahang bubuksan bilang bahagi na rin ng kanilang pakikipagtulungan sa Department of Education at sa K-12 program nito.

Bukod sa school buildings, may medical missions pang isinasagawa ang pinuno ng QC bilang pasasalamat sa constituents niyang sumuporta sa loob ng mahigit tatlong dekada sa public service.

Read more...