Heart balik-China para sa part 2 ng int’l movie

HEART EVANGELISTA

Lumipad muli patungong China si Heart Evangelista para sa part 2 ng kanyang upcoming international film. Yes, agad-agad ang filming ng sequel ng natapos niyang pelikula.

Sa kanyang Instagram Live kahapon, kinumpirma ng Kapuso actress na pinapunta uli siya sa China para sa sequel ng ginawa niyang action-packed movie na kailan lang din natapos ang principal production.

Sa isang panayam, sinabi ni Heart na kasali pa rin siya sa part ng nasabing movie, “I’ll be leaving for China for a Hollywood movie and I’ll be doing the book two of that movie this year. So I’ll be doing multiple trips to China. And by the end of the year, we’re going to Los Angeles for the premiere night.”

“It’s my first international and it’s my first action movie. You’ve never seen me like this,” aniya pa.

Read more...