Janine nag-2-piece bikini para sa mga ‘future apo’

JANINE GUTIERREZ

Todo ang pasabog na pictures ngayon ni Janine Gutierrez sa cover ng glossy magazines.

Kung throwback ang cover nila ng kanyang lola Pilita Corrales sa isang magazine, mas palaban at daring na Janine Gutierrez ang bumandera kamakailan sa Instagram na mga pictorial niya for another glossy mag.

Naka-swimsuit siya rito ng puti at talagang na-highlight nang todo ang ipinagmamalaki niyang katawan, lalo na ang nagmumura niyang balakang, huh!

Ayon sa caption ng bida sa Kapuso series na Dragon Lady, isa raw ang litrato niyang naka-white two-piece bikini ang pwede niyang ipakita sa kanyang magiging anak at mga apo. “I’ll show my future grandkids so they think I’m cool,” caption ng dalaga.

Samantala, todo-todo na ang paghataw sa ratings ng kanyang GMA afternoon show dahil gustung-gusto ng manonood ang pagbabago ng character niya from Celestina to Scarlet!

Read more...