NAGTALA na naman ng bagong record si Maine Mendoza.
Nakuha niya ang record-breaking sales bilang isa sa pinakamalakas na benta sa mall show ng latest unit ng cell phone na kanyang ineendorso.
Pumunta si Meng sa SM Megamall nitong weekend para sa launching ng bagong unit ng brand at sa post na inilabas sa Twitter ng isang fan ng Phenomenal Star, nakasaad ang, “Maine Mendoza got on of the Highest Mall Show Sales Record!!! (sic)”
Patunay lang na si Maine pa rin ang number one celebrity endorser.
Eh, ayon pa sa tweet ‘yung collaboration niya ng lipstick brand para sa isang global brand ng cosmetics, sold out ‘yon in 60 seconds habang ‘yung signature scents niya para sa isang local brand eh, 15 minutes pa lang ay soldout na!
Siyempre, todo ang hiling ng fans ni Meng na mapanood naman uli siya sa big screen.
Sa huling pag-uusap ng ilang members ng entertainment press sa manager niyang si Rams David, dalawang movies ang nakatakdang gawin ng Phenomenal Star.
‘Yung isang pelikula ay para uli sa December film festival habang ‘yung isa naman ay ipalalabas bago ang 2019 Metro Manila Film Festival.
Wala nga lang siyang sinabing detalye tungkol sa dalawang pelikula. Pero may idea na kami kung ano ang tinutukoy ni Rams na MMFF entry ni Maine.