Sikat na aktor parang 'baby' pag inatake ng topak, bantay-sarado ni daddy | Bandera

Sikat na aktor parang ‘baby’ pag inatake ng topak, bantay-sarado ni daddy

Reggee Bonoan - May 27, 2019 - 12:15 AM

BANTAY-SARADO pala ang aktor ng kanyang ama kapag nasa trabaho dahil kapag napapagod daw ito ay sinusumpong ng topak.

Kuwento sa amin ng isang source, “Okay naman siya mahusay makisama, sobrang kulit, maloko. Jolly kasi siyang tao kaya halata na kapag may topak na siya, tahimik at nakasimangot na.”

Ang aktor ay mahusay sumayaw at sa katunayan kapag break time sa set ay gumigiling-giling ito kasama ang ilang aktor din na dancer.

“Biruan sila kasi nang biruan kaya masaya naman sa set,” sabi pa sa amin.

At kaya siya binabantayan ng tatay niya ay para makontrol ang topak nito dahil minsang hindi nabantayan ng ama at personal assistant lang ang kasama ay para itong batang nagmamaktol dahil nagugutom na raw siya.

“Actually, ‘yung topak niya is more of parang bata o basta na lang hindi kikibo at sisimangot. Pero kapag take na, okay naman, pero halatang wala sa mood,” kuwento ng taga-production sa amin.

Kaya pala nang minsan namin siyang mainterbyu ay wala sa mood tapos nu’ng inabutan na siya ng pagkain ay bigla na siyang sumaya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending