NANG lumabas ang mahabang emote ni Aiko Melendez na may problema sila ng boyfriend niyang si Zambales Vice Governor Jay Khonghun ay agad namin siyang kinumusta at kung ano ba talaga ang nangyari.
Bago siya lumipad patu-ngong Las Vegas, Nevada, USA ay masaya pa siyang nagkukuwento na makikita na niya ang mga anak na sina Andrei Yllana at Marthena Jickain kasama ang kanyang nanay na si Mommy Elsie Castaneda.
Ang sagot sa amin ni Aiko nang hingan namin ng pahayag, “Ayaw ko muna sumagot, vacation muna ako kung ano post ko ‘yun na ‘yun.
Base sa mga litratong pino-post ni Aiko sa kanyang social media accounts, kasama niya ang mga anak sa pamamasyal at kitang-kita ang kaligayahan niya base na rin sa kanyang itsura.
Hindi na rin siya tulad dati na kapag may problema ay mapapansin agad sa kanya, lalo na kapag tungkol na sa kanyang lovelife.
Feeling namin hindi naman talaga malala ang gusot nina Aiko at VG Jay kaya cool lang ang aktres at alam niyang maayos din ito sa tamang panahon. Pero siyempre, marami ang nag-alala sa mga hugot ni Aiko tungkol sa kanila ni Jay.
“Ako I’m being honest Jay and I are going through a phase now. Because I am a celebrity and politician me tsismis at tsismis talaga. So gusto ko sa akin galing para di kulang, di sobra but I do hope also for now I won’t get into details. And sana since nag share naman ako kahit paano ibalato n’yo sa akin na ‘wag na i-detalye.
“My trip now is to follow my kids who I’m missing so much, nababaliw na ako mabuti pinayagan ako ng GMA na antayin ang pagbabalik ko salamat po. Ngayon sa mga nagtatanong kng susunod si Jay para maka-bonding ang mga anak ko dahil ‘yun ang naipangako niya, ayaw ko ipilit hayaan natin na si VICE GOV mag-decide du’n.
“Kapag nakita natin siya sumunod, eh, di ibig sabihin gusto n’ya patunayan his worth. Kasi ‘yun ang prayer ko na mas mahalin ako ng mahal ko. Dati ganu’n naman si Jay in fairness to him,” sabi ng aktres.
Anyway, ang aabangan na lang ay kung susunod si Jay sa Amerika para maka-bonding si Aiko at ang mga anak nito. At kung hindi siya sumunod o makasunod, e, ‘yun ang mahabang tsikahan pagdating ng aktres sa Hunyo 6.