Kontrobersyal na singer-actress bukaka queen; walang awa sa mga katrabaho

MAY titulo na ang isang isang young actress-singer na laging nalalagay sa alanganin dahil sa kanyang mga kalokahan. Sa isang umpukan ng mga taga-showbiz ay siya ang sentro ng pagpipista. Siya ang binalatan ng mga nandu’n.

Isang miron ang nagkuwento na totoo namang parang walang pakiramdam ang babaeng ‘yun, lalo na sa kanyang mga katrabaho, dahil kung ano ang gusto niyang gawin ang kailangang mangyari.

Sabi ng source, “Napaka-insensitive niya, sa totoo lang, dahil sarili lang niya ang iniintindi niya. Wala siyang pakialam sa katrabaho niya, tulad ng make-up artist niya.

“Nagpapagawa siya nang nakahiga dahil puyat na puyat daw siya, umaga na raw siyang na-pack-up sa taping niya. Nakaluhod ang make-up artist dahil nakahiga nga siya, may pakialam ba sa kapwa niya ang ganu’ng tao?

“Masyadong pasaway ang babaeng ‘yun! Napakatigas ng ulo niya, wala siyang pinakikinggan, may sarili siyang mundo!” inis na kuwento ng miron sa umpukan.

Matagal siyang nagtrabaho sa isang network, malaki ang kinita niya du’n, pero wala siyang pakialam kapag dumarating ang Pasko.

Balik-chika ng aming impormante, “Aba, walang kahihiyan ang female personality na ‘yun! Too insensitive siya talaga! Minsan sa isang taon lang naman ang Christmas, di ba, pero kahit isang piraso ng candy, hindi siya nagbibigay sa staff and crew na katrabaho niya!

“Siya lang ang artistang ganu’n! Ano ba namang mag-share naman siya kapag Pasko, di ba? Naku, wala siyang pakialam!

“Ang mga co-stars niya, e, aligagang-aligaga sa paghahanda kung ano ang ireregalo nila sa mga katrabaho nila, pero itong si ____ (pangalan ng singer-actress), wala siyang pakialam!

“Pasko na nga, e, hindi pa siya marunong mag-share, kailan pa siya matututo? Makasarili ang babaeng ‘yun! Wala siyang keber sa mga katrabaho niya.

“Di bale, may title na siya ngayon. Ang tawag sa kanya ng mga miron, e, Bukaka Queen. Look n’yo ang mga pinaggagagawa niya sa mga projects niya, bukaka siya nang bukaka, di ba?

“Ang akala naman niya siguro, e, cute siya sa mga pinaggagagawa niya! Bumukaka na lang siya forever! Siya lang ang natutuwa sa sarili niya!” inis na pagtatapos ng aming source.

Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, kilala n’yo siya. Hindi kayo maliligaw dahil isa lang ang masasabi n’yo sa nangyari sa kaya, “Buti nga sa iyo!”

Read more...