Babae pinatay, isinilid sa sako

CRIME of passion ang tinitingnang anggulo ng pulisya sa pagpatay sa 22-anyos na babae na isinilid sa sako saka itinago sa bodega sa Brgy. Cupang, Muntinlupa.

Nadiskubre ang bangkay ni Sheva Adare Mae Prementil, assistant supervisor sa isang supermarket sa Alabang at tubong-Bukidnon, Sabado ng gabi.

Nagtamo ang biktima ng mga sugat sa ulo at mga laslas sa tiyan at kamay. Halos matanggal na rin ang mga daliri ng biktima dahil sa mga hiwa, ayon sa pulisya.

Agad namang natukoy ng mga otoridad ang suspek na kinilalang si Alexander Morpuz, 23, kapitbahay at nanliligaw umano sa biktima.

Pinaghahanap na ang suspek.

Sa inisyal na ulat, ang amo mismo ni Corpuz ang nakadiskubre sa bangkay sa bodega matapos mapansin ng roommate ng huli na duguan ang kama ng biktima.

Read more...