NANAWAGAN ang Gabriela sa mga nagtapos sa Philippine Military Academy kahapon na huwag pakinggan ang umano’y paghahasik ng “kabastusan” ni Pangulong Duterte.
“Walang kadala-dala itong bastos na presidente. Matapos nang matagal na pagkawala sa mata ng publiko, magpapakita siya at maghahasik na naman ng kabastusan. Makailang beses na niyang ginagamit na biro ang rape sa pag-aakalang natutuwa ang mga tao sa ganung klaseng kawalanghiyaan. May sakit na nga at lahat si Duterte, bastos pa rin,” ani Joms Salvador, secretary general ng Gabriela sa isang pahayag.
Sinabi ni Salvador na ang mga nagtapos kahapon ang hinaharap ng mga sundalo at pulis na sumumpang ipagtatanggol ang mga Pilipino at ang bansa kaya hindi umano tama na sabihan sila ng Pangulo na sila ay bibigyan ng pardon kung sakaling manggagahasa.
“Their Commander-in-Chief is actually absolving them from accountability at this early stage of their careers, and prodding them to commit offenses and not be held accountable because they are ‘good and capable’ soldiers anyway.”
Sinabi ni Salvador na mayroong mga babaeng nakapasok sa PMA upang alisin ang machismo at poot sa mga kababaihan.
“We are encouraging these women graduates, who even excelled in their classes, to criticize and put misogynists like Duterte in their proper place: in the garbage bins of history,” dagdag niya.