4Ps tuloy tuloy na

 

MATAPOS maging isang ganap na batas, hindi na umano basta matatanggalan ng pondo ng magiging pangulo ng bansa ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program.

Ayon kay Makati City Rep. Luis Campos Jr. magiging epektibo ang 4Ps law sa Hunyo 7 matapos itong pirmahan ni Pangulong Duterte at mailathala noong Mayo 22.

“Had Congress not passed this new law, any future president could easily suspend, defer or even discard the program altogether for any reason whatsoever, including possible lack of funding,” ani Campos.

Ngayong taon ay P89.8 bilyon ang inilaan ng gobyerno para sa 4Ps.

Sa naturang pondo, P82 bilyon ang para sa cash incentives kasama na ang rice subsidy ng 4.4 milyong kuwalipikadong pamilya, P4.5 bilyon sa personnel services, P1.6 bilyon sa gastos sa serbisyo, P509 milyon ang bank service fee, P432 milyon para sa monitoring and evaluation/spot checks; P393 milyon ang administrative expenses; at P111 milyon para sa training.

Upang makasali, ang isang pamilya ay dapat nakarehistro sa Pantawid Pamilya Information System; biktima ng kalamidad at walang kabuhayan, kabilang sa indigenous group, walang bahay.

Ang isang pamilya ay maaaring maging miyembro ng 4Ps hanggang sa loob ng pitong taon lamang hangga’t nasusunod nito ang mga panuntunan gaya ng pagpapa-check up ng buntis, kumukuha ng preventive health and nutrition services ang mga bata na wala pang limang taong gulang, nagpapapurga ang mga wala pang 14 taong gulang taon-taon, pumapasok sa eskuwelahan ang mga wala pang 18 taong gulang, at mayroong pumupuntang miyembro ng pamilya sa family development sessions ng DSWD.

Read more...