P203M Grand Lotto jackpot hindi nakuha

WALANG tumama sa P203.7 milyong jackpot prize ng Grand Lotto 6/55 sa bola noong Sabado ng gabi.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office walang tumaya sa winning number combination na 02-09-49-21-24-11.

Sa bola mamayang gabi (Lunes) posibleng umabot sa P208 milyon ang jackpot prize.

Nanalo naman ng tig-P51,840 ang 31 mananaya na nakalimang numero.

Tig-P760 naman ang 1,679 mananaya na nakaapat na numero at tig-P24 naman ang 29,660 mananaya na nakatatlong numero.

Read more...