Pedestrians inararo ng sasakyan: 2 patay, 3 sugatan

DALAWANG tao ang nasawi at tatlo pa ang nasugatan nang mabundol ng utility vehicle habang tumatawid sa bahagi ng Maharlika Highway sa Candelaria, Quezon, Sabado ng gabi.

Binawian ng buhay habang nilulunasan sa ospital sina Lito Leynes, 39, at Rosalinda Leynes, 63, ayon sa ulat ng Quezon provincial police.

Sugatan naman sina Angelica Bazar, 18; Clark Kent Leynes, 3; at Tatiana Pray Leynes, 1.

Naganap ang insidente dakong alas-7, sa bahagi ng highway sa Brgy. Masin Norte.

Tumatawid ng kalsada ang lima, na pawang mga residente ng naturang lugar, nang mabundol ng isang Isuzu Crosswind (Sportivo) na kinakitaan ng plakang BCX 880, ayon sa ulat. 

Di pa makilala ang driver dahil nagpatuloy ito sa pagmamaneho patungong timog, at inabandona ang sasakyan sa Bypass Road sa Brgy. Malabanban Sur, ayon sa pulisya.

Dinala ng mga tauhan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council ang mga biktima sa Peter Paul Medical Center, ngunit binawian ng buhay ang dalawa. 

Read more...