DA who ang isang opisyal na imbes na kampihan, kinuyog pa ang isang government exec dahil sa kanyang pambubully.
Nakalimutan kaya ng opisyal na ito na tatlong taon na lamang at magpapalit na ng administrasyon at pinakamatagal na rin ang tatlong taon sa kanyang posisyon?
Biglang sikat ang opisyal matapos naman ang kanyang kontrobersiyal na hugot.
Kaliwa’t kanan ang banat sa kanya matapos naman ang kanyang mga pahayag.
Sabi nga sa kasabihan, ‘weather-weather’ lang yan. Hindi naisip ng opisyal na hindi habang panahon ay nakaupo siya sa katungkulan, na kailangan niyang putulin ang anumang ugnayan sa dating mundong kanyang kinabibilangan.
Komento tuloy ng marami, hindi rin naman siya nakaupo sa kanyang katungkulan ngayon kundi dahil sa ginawa niya noong nakaraang kampanya.
Kaya tuloy isinusuka na siya maging ng kanyang mga dating nakatrabaho.
Kapag natapos na ang kanyang termino, wag nang asahan pa ng opisyal na may babalikan pa siya.
Tiyak na ikahihiya na siya na maging bahagi muli ng kanilang grupo dahil na rin sa ginawa niyang pambubully.
Usap-usapan tuloy na siya na ang babaeng bersyon ng kontrobersyal na dating opisyal, na ngayon ay limot na rin.
Pinagtatawanan din ang pagpatol ng opisyal sa hindi niya kabaro, na siya rin naman ang nagsimula sa isyu.
Kung hindi mangyari ang gusto ng opisyal na maging kapalaran ng kanyang binubully, hindi kataka-taka na ideklara siyang persona non grata.
Sakaling kumalma ang opisyal at mapagtanto ang kamalian, hindi na kataka-taka na nawalan na rin ng respeto sa kanya ang mga dating naging bahagi ng kanyang mundo.
Bandang huli, baka sa kangkungan din pulutin ang opisyal dahil sa kanyang magmamalaki.
Opisyal kinuyog matapos ang pambubully
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...