NAGSALITA na rin ang iba pang Kapamilya celebrities laban sa kontrobersyal na singer na si Jimmy Bondoc matapos itong mag-post tungkol sa renewal ng franchise ng ABS-CBN.
“I am so excited to see the biggest tv network close down. I AM EAGERLY AWAITING YOUR DEMISE.
“I know how this sounds. And I know the nasty comments which are bound to come. I don’t care,” ang matapang na pahayag ni Jimmy na siya ring Assistant Vice President for Entertainment ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).
Next year kasi ay nakatakdang mag-apply muli ang ABS-CBN sa Congress ng permit para sa renewal ng kanilang broadcast franchise for another 25 years.
Pero ilang ulit ngang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na haharangin niya na mabigyan uli ng franchise ang Kapamilya Network dahil sa umano’y hindi pag-ere ng kanyang campaign ad noong 2016 presidential elections kahit bayad na siya.
Isa sa mga matapang na pumalag kay Jimmy ay si Angeline Quinto. Aniya sa kanyang post sa social media, “Bilang isang singer, hindi ko kinakaya ang nakikita kong post na galing sayo Kuya.
“Hinahangaan pa naman din kita bilang katrabaho at bilang kaibigan. Nalulungkot ako kasi ABS-CBN ang naging pangalawang tahanan ko, Oo hindi pa ako kasing tagal ng ibang nagtatrabaho sa estasyon na ito, pero para ganun ang maging hiling mo para sa ABS-CBN hindi ko kaya Kuya.
“Ang dami kong naging pamilya sa estasyon na ito at dinamay mo sila lahat. Puro english ang post mo, isang bagay lang ang itatanong ko, nasaan ang salitang utang na loob sa pagkatao mo,” aniya pa.
Hindi rin nagpahuli sa pagbwelta ang ABS-CBN executive at head ng Dreamscape Entertainment na si Deo Endrinal. Aniya sa kanyang Facebool post, “Thousands of us working in ABS-CBN are thankful for the many opportunities, I think you should be thankful too.”
Pero hindi pa rin nagpapatalo si Jimmy Bondoc at talagang sinasagot niya ang ilang nagtatanggol sa ABS-CBN. Aniya, “Sir Deo, boss, amo… linawin lang natin.
“1) Gratitude to the many good people in a certain network has NOTHING TO DO with the malicious news and info and alleged harassment cases that occur in its rooms;
“2) It also has ABSOLUTELY NOTHING TO DO with the alleged unlawful transfer of a network’s ownership to the unwarranted benefit of a few individuals. That is for the courts to decide. And the grant or extension of a permit is the government’s prerogative.
“3) Lastly, jobs need not be lost if there is a change of ownership. Bakit tatanggalin ang mga walang kasalanan? And if illegally removed, meron namang legal recourse ang employees.”
“Are you saying that for example- KUNG MAPATUNAYAN nga na hindi makatarungan ang pag-ari ng isang indibidwal sa isang network, kakampi pa rin kayo sa lumabag sa batas? Tanong lang po, boss sir amo chief.”
Habang sinusulat namin ang artikulong ito ay wala pang official statement ang ABS-CBN tungkol sa mga akusasyon ni Jimmy. Marami naman ang nagsasabing dapat daw kasuhan na ng network ang singer para maturuan ito ng leksyon.