Bistek babawi muna sa anak bago magbalik-showbiz | Bandera

Bistek babawi muna sa anak bago magbalik-showbiz

Jun Nardo - May 26, 2019 - 12:45 AM

HERBERT BAUTISTA

MAALIWALAS, pulido at kumpleto sa gamit ang mga bagong school buildings na ipinatayo ni Quezon City Mayor Herbert Bautista para sa senior high school students ng siyudad.

Saksi ang ilang press na naimbitahan sa inauguration at turn over ceremonies ng bagong school buildings sa Pasong Tamo, Tandang Sora at Barangay Culiat na personal na dinaluhan ni Mayor Herbert.

Bukod dito, pinuntahan din ng mayor ang housing units sa Bistekville kung saan sinalubong siya ng mga tagaroon na maswerteng nabigyan ng mga bagong tirahan.

Sa Emilio Jacinto Senior High School, may 32 classrooms at apat na laboratories; sa Tandang Sora, may 42 classrooms at walong laboratories.

Sa Barangay Culiat nakatayo ang Bistekville 26 at sa Tierra Pura Subdivision, inayos ang park kasama ang swimming pool at covered basketball court.

Take note, kahit nakatayo na ang mga school buildings, pinaalalahanan din ni Mayor Herbert na alagaan ang safety ng mag-aaral at naninirahan sa housing units lalo na kapag may sunog, lindol at iba pang kalamidad.

Inatasan niya ang mga namumuno sa mga nasabing proyekto na siguruhin pa rin ang safety ng bawat isa.
Bahagi ng pasasalamat ni Mayor Bistek ang pagpapatayo ng eskuwelahan at housing units sa mga taga-QC na todo ang suporta sa kanya bilang pinuno ng siyudad.

Bukod sa inauguration ng mga gusali, nagsasagawa rin ng medical missions halos araw-araw si Mayor. Sa paglisan niya sa QC Hall sa June 30, napakaraming legacies na iiwan niya sa kanyang mga nasasakupan.

Kung magkakaroon ng chance babalik sa showbiz si Mayor HB matapos ang bakasyon kasama ang mga anak. Babawi siya sa pakikipag-bonding sa mga ito dahil mas marami ngayon siyang quality time.

Sa totoo lang, ang daming sumaludo kay Mayor sa napakaraming accomplishments niya habang pinuno ng QC.

Sa tanong kung goodbye na nga ba siya sa mundo politics?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Hello, Mr. President!” bulalas ni Mayor Bistek sa katangungan ng media. Kayo na ang bahalang mag-interpret kung ano ang ibig sabihin ni Mayor Bistek.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending