Male celeb ipinaglihi sa calculator, ex-dyowa hiyang-hiya | Bandera

Male celeb ipinaglihi sa calculator, ex-dyowa hiyang-hiya

Cristy Fermin - May 26, 2019 - 12:40 AM

KALAT na kalat ang kuwento tungkol sa isang male personality na masyadong makuwenta. Hindi siya makuwento, makuwenta siya, ‘yun ang naging dahilan ng paghihiwalay nila ng isang female personality.

Hindi pa man sila nagtatagal bilang magkarelasyon ay nagpalutang na agad ng kakaibang ugali ang male personality. Lahat ay kinukuwenta niya.

Kuwento ng isang source, “Hindi siya puwedeng makipagrelasyon kung ganu’n siya na parang ipinaglihi sa calculator! Grabe ang lalaking ‘yun, lahat na lang, sinusuma niya ang amount.

“Kunwari, kakain sila sa labas ng girlfriend niya, kapag bayaran na, e, talagang halos nakadikit na ang mga mata niya sa babayaran nila.

“Iniisa-isa niya ang mga pagkaing in-order nila, siyempre, lalo na ang presyo! Matagal bago siya magbayad dahil isa-isa pa niyang binubusisi ang presyong kailangan niyang bayaran.

“Kuwento nga ng isang ex niya, e, hiyang-hiya daw ang girl kapag lumalabas sila. Talagang kulang na lang na magtalukbong siya sa restaurant, kasi nga, sobrang magkuwenta ng bayarin ang male personality!

“Kunsabagay, dapat lang namang ganu’n talaga ang mga kumakain. Malay nga ba niya kung merong nakalista na hindi naman pala nai-serve sa kanila?

“Pero siyempre, dahil kilalang artista nga siya, e, mapapansin ‘yun ng mga miron, lalo na nga at sobra siyang mag-compute ng mga kinain nila ng girlfriend niya!” kuwento ng aming impormante.

Natural na sa nasabing male personality ang pagiging masinop sa pera. Kahit ang mga nagtatrabaho sa kanya ay kabisadung-kabisado na ang pagiging kuripot niya.

Balik-kuwento ng aming source, “Kahit nga ang piloto niya, e, hindi niya binibigyan ng meal allowance. Sa studio kumakain ang driver-alalay niya para wala siyang gastos!

“Kaya kita n’yo naman, marami siyang ipon! Hindi siya nawawalan ng datung! Nu’ng magkawatak-watak ang grupo nila, e, siya lang ang hindi kinapos!

“Kasi nga, e, marunong siyang humawak ng datung. Kesehodang sabihin pa ng iba na ipinaglihi siya sa calculator, e, wala siyang pakialam!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Kahit ask n’yo pa ang ex niyang female personality na ipinagpalit siya sa tiboelya!” tawa nang tawang pagtatapos ng aming source.

It’s showtime na para manghula, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, siguradong hindi kayo mauupo ngayon sa Row 4 na katabi ang mabahong basurahan, promise!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending