Anak ni Rina Reyes pasok sa Star Magic 2019, umaming na-bully

By Alex Brosas May 25,2019
share this

Anak ni Rina Reyes pasok sa Star Magic 2019, umaming na-bully

By Alex Brosas May 25,2019
share this

RINA AT SOPHIE REYES

Isa ang anak ng aktres na si Rina Reyes na si Sophie Reyes sa mga ipinakilala para sa bagong batch ng Star Magic stars.

“Actually, ever since ipinanganak ako ay gusto ko na pong mag-artista. No, noong may malay na po ako, seven years old.

“Kasi noong seven years old ako ay nabigyan ako ng opportunity to practice the craft through theater.

Importante din po sa mom ko na matapos ko muna ang education ko,” chika ni Sophie sa amin.

She went to Trumphets and Repertory Philippines to train in theater.

Naloka kami sa chikang na-bully siya.

“I did Sound of Music. Ginawa po nila akong lalaki. Sa sobrang challenging, ginupitan ako ng hair. Buong grade four lagi akong binu-bully sa school. Mukha daw akong lalaki pero wala akong pakialam kasi love ko ang ginagawa ko.

“The bullying stopped nang humaba ang buhok ko. Natutuwa lang sila na i-bully ako. Siguro mas guwapo ako sa kanila,” she added.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending