KALAT na kalat na sa isang malaking network ang hindi masyadong pagkagusto ng kanyang mga kaliga at kasamahan sa isang kilalang female personality na kung ilarawan nila ay pabibo.
Sobrang pabibo nga raw ang babaeng personalidad na ito. Ayaw niyang nauunahan siya ng iba sa linyang kinabibilangan niya.
Kuwento ng isang source na nakakasaksi sa mga nangyayari sa karera ng babaeng personalidad, “Para siyang may sariling mundo. Wala siyang gaanong kaibigan sa network nila dahil feeling niya, e, kalaban niya ang mga katrabaho niya.
“Yes, ganu’n mismo ang pakiramdam niya, kaagawan niya sa trabaho ang mga kaliga niya, ayaw na ayaw niya pa naman nu’ng naa-outscoop siya!
“Ang totoo niyan, e, siya ang palaging nauuna sa news, ayaw niyang may mas nakakauna sa kanya, kaya hindi siya nakikipag-chummy-chummy sa mga kasamahan niya sa trabaho.
“Pabibo ang lola n’yo, para bang siya na ang pinakamatalinong babae sa departamento nila, ganu’n na ganu’n ang feeling niya!” umpisang chika ng aming source.
Magkakontra rin ang female personality na ito at ang isang katrabaho niyang babaeng personalidad na di hamak namang mas kitang-kita ang katalinuhan kesa sa kanya.
“Naku, never siyang nagustuhan ng female personality na ‘yun, sa totoo lang! Kung pabibo ang drama niya sa buhay, para naman du’n sa female personality na hindi nagkakagusto sa kanya, e, isa lang siyang copycat!
“Wala siyang sariling style, nanggagaya nga lang siya, kaya hindi bilib sa kanya ang babaeng personalidad na ‘yun na mas marami nang tinatanggap na parangal kesa sa kanya!
“Maraming may ayaw sa girl na ito dahil ramdam na ramdam ng mga katrabaho niya na nakikipagkumpetensiya siya sa mga kasamahan niya!
“May K ang name niya, pero sorry, wala siyang K kung tutuusin para sa mga katrabaho niyang nayayabangan sa mga atake niya!
“Mag-news siyang mag-isa!” mataray pang pagtatapos ng aming impormante.
Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, kilalang-kilala n’yo kung sino ang female personality na ito na pabibo sa kanyang mga interview.